-- Advertisements --
image 499

Inanunsyo ng koponan ng Los Angeles Lakers na isang panibagong estatwa ni Kobe Bryant ang kanilang bubuksan sa publiko sa susunod na taon.

Batay sa anunsyo ng koponan, ang bagong estatwa ay gawa sa bronze, at itatayo sa Crypto.com Arena, ang homecourt ng LAL.

Nakatakda naman itong buksan sa Pebrero 8, 2024.

Ang seremonya para rito ay isasagawa bagao ang nakatakdang laban ng LAL kontra 2023 NBA Champion Denver Nuggets.

Si Kobe ang isang sa mga pinakamatagal na players ng Lakers.

Sa loob ng kanyang 20 taon na karera, hindi niya iniwan ang nasabing koponan hanggang sa tuluyan na siyang nagretiro matapos ang dalawang dekada.

Maalalang namatay sa kobe noong Enero-26, 2020 sa edad na 41, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter, kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa.