Nanawagan ngayon si DOH Sec. Francisco Duque na respetuhin na lang ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung nagpahiwatig man ito na may ilang sundalo na ang nagpabakuna gamit ang Sinopharm mula China.
Ayon sa kalihim, para sa kanya ay naiintindihan umano niya ang gusto ng Pangulo na mabigyan ng proteksiyon lalo na ang mga sundalo na malapit o nakapaligid sa kanya.
Hanggang ngayon ay aminado si Sec. Duque na maging siya ay nangangapa kung totoo bang meron nang kumakalat na COVID vaccine tulad sa umanong sekretong ibinebenta sa Binondo, Maynila.
Pinanindigan na lamang ni secretary duque na ang mga bakuna na gagamitin sa Pilipinas ay dapat dumaan sa DOST at sa FDA.
Samantala, pinapurihan naman ng kalihim ang balakin ng Chinese Chamber of Commerce and Industry na magpatayo ng cold chain storage facility na kayang mag-imbak ng mga sopistikadong COVID vaccine ng hanggang negative 90 degres Celsius.