-- Advertisements --

Ikinagulat ng lahat ang ginawang pagpunit ni House Speaker Nancy Pelosi sa kaniyang kopya ng State of the Union address speech ni President Donald Trump.

Hinihinala ng nakararami na dahil ito sa hindi pagpansin ni Trump sa kamay ni Pelosi nang subukan nitong makipag shake hands sa pangulo bago simulan ang kaniyang talumpati.

Ayon kay Pelosi, sinubukan umano niyang maghanap ng katotohanan sa mga nasambit ng American president ngunit puro kasinungalingan lamang daw ito.

Kaagad namang kinondena ng White House ang naging reaksyon ni Pelosi dahil tila binastos ng House Speaker ang lahat ng American nationals na nirerespeto at hinahangaan ang talumpati ni Trump.

Samantala, nagbalik tanaw naman ang American president noong nagsagawa ng airstrike ang Estados Unidos sa Baghdad International airport ngayong taon.

Naging sanhi ng nasabing airstrike ang pagkamatay ng pinuno ng Islamic Revolutionary Guard ng Iran na si Qassem Soleimani.

Nagawa ring magbanta ni Trump sa lahat ng terorista na magnanais sirain ang Amerika.

VC US PRESIDENT DONALD TRUMP