-- Advertisements --

Nagtapos ang sesyon ng Senado nitong Lunes nang walang anumang pagbabago sa liderato, sa gitna ng mga espekulasyon ng umano’y posibleng reorganization sa Mataas na kapulungan.

Nag-adjourn ang Senado bandang alas-4:40 ng hapon matapos nitong mag-convene bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte at aprubahan ang ilang pagbabago sa committee chairmanships.

Nananatili ang 13-miyembro ng majority bloc sa Senado sa kabila ng mga usap-usapan ng leadership shake-up.

Gayunpaman, nagkaroon ng mga bagong itinalagang chairperson sa ilang komite, kabilang ang:

Culture and the Arts — Loren Legarda
Ways and Means — Pia Cayetano
Health at Sports — Bong Go
Higher, Technical and Vocational Education — Joel Villanueva
National Defense and Security at Games and Amusements — Jinggoy Estrada
Energy at Sustainable Development Goals — Pia Cayetano
Basic Education — Loren Legarda
Public Services at Cultural Communities and Muslim Affairs — Robin Padilla
Public Information and Mass Media — Robin Padilla
Public Services — Rodante Marcoleta

Nauna rito, itinanggi ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga ulat ng posibleng pagbabago sa liderato, at sinabing nananatiling buo ang majority bloc.

Sa parehong araw, tinanggihan ni Senador JV Ejercito ang alok na maging Senate Majority Leader at sinabing mas nais niyang manatiling independent.

Samantala, sinabi rin ni Juan Miguel Zubiri na sasama siya sa minority bloc na pinamumunuan ni dating Senate President Vicente Sotto III.