Inihayag ni Department of Health officer in charge Ma. Rosario Vergeire na hindi kaagad aalisin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang state of public health emergency dahil sa COVID-19.
Ito ang kaniyang sagot nang tanungin kung aalisin ni Marcos ang state of public health emergency kasunod ng isang pagpupulong kay World Health Organization director general Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ayon kay Vergerie, sinabi ni Dr. Tedros sa pangulo na mayroong kamakailang pagpupulong sa mga matataas na opisyal ng WHO na nagpapasya sa public health emergency at partikular niyang sinabi sa pangulo na ang boto ay magpatuloy pa rin sa public health emergency.
Sinabi ni Vergeire na tinitingnan pa ng pangulo ang usapin na maaaring pag-usapan sa mga susunod na buwan.
Dagdag pa nito na naniwala at ginamit ni Marcos ang patnubay ng mga opisyal ng World Health Organization (WHO).