-- Advertisements --
Idineklara ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na palalawigin pa nito ang pagdedeklara ng state of emergency sa bansa na nakatakda sanang matapos sa May 6.
Ito’s matapos aprubahan ang supplementary budget para sa fiscal 2020 upang pondohan ang emergency economic package dulot ng coronavirus outbreak.
Sinabi ni Abe na mahihirapan ang Japan na bumalik sa normal nitong pamumuhay simula May 7.
Aniya kinakailangan din umano ng mga Japanese na habaan pa ang kanilang pasensya dahil mukhang magiging mahabang laban pa ang kahaharapin ng naturang bansa.
Nakahanda rin daw si Abe na kumonsulta sa mga eksperto kung hanggang kailan pa tatagal ang state of emergency.