GENERAL SANTOS CITY- Inihayag ni Kagawad Jeng Gacal na siyang nagsumite ng resolusyon na mas makakabubuting maghanda at hindi na antayin pang lumala ang kaso ng 2019 novel coronavirus.
Ang P10 million na pondo ang galing sa disaster fund na gagamitin sa paggawa ng isolation room sa Dr. Jorge Royeca Hospital, pagbili ng gamot, o maaari ring bumili ng thermal scanner dahil wala pang equipment ang GenSan airport.
Sinagot din ni Gacal ang puna na OA ang Sangguniang Panglungsod sa pagsusumite sa naturang resolusyon.
Ayon sa konsehal na nakataya ang kalusugan ng publiko dahilan para ito’y tutukan.
Naging basehan ni Gacal sa deklarasyon ng state of calamity ang pahayag ng World Health Organization na global health emergency ang 2019 novel corona virus. __
Napag-alaman na mayroon ng isang Chinese national na person under monitoring o PUM sa Gensan na nasa 13 araw na ng self-quarantine at walang sintomas ng naturang virus.
Sa ngayon halos 500 ang patay dahil sa corona virus at mahigit sa 24,000 ang nagkasakit.