-- Advertisements --

Binigo na naman sa ikatlong pagkakataon ng Denver Nuggets ang Los Angeles Clippers, 110-104.

Maging ang pagbabalik ni Kawhi Leonard sa Clippers at pagsama nila ng pwersa ni Paul George ay hindi rin umubra nang magtala lamang ng pinagsamang 36 points.

Hindi tulad nina Nikola Jokic na may 30 points at si Michael Porter Jr. ay nagdagdag ng 25 points upang maungusan ng Denver (43-21) ang LA (42-22) kung pagbabasehan ang tie breaker at kung mauwi sa postseason standings.

Ang Denver ay umangat na sa No. 3 sa Western Conference.

Hindi kinaya ng Clippers ang pagbabantay kay Jokic na siya namang sinamantala nito sa kanilang opensa.

Samantala, inabot naman ng 13 araw bago nakabalik muli sa game si Leonard bunsod nang pagpapagaling sa injury.