-- Advertisements --
image 172

Aabot pa ng hanggang P2.2billion ang nakahandang standby fund ng Department of Social Welfare and Development na magagamit upang tugunan ang susunod pang mga kalamidad sa buong bansa.

Ayon kay Sec. Rex Gatchalian, nasa p482million ang standby fund at quick response fund na nasa central office ng DSWD, kasama na ang mga nasa Regional Offices.

Umaabot naman sa P1.7billion ang halaga ng mga stockpile na binubuo ng mga family food packs at non-food items.

Samantala, sa kasalukuyan ay nakapaglaan na rin ng P315 million na halaga ng tulong para sa mga naging biktima ng Supertyphoon Egay at Habagat.

Mula sa P315 million na ito, P100Million na ang naihatid sa mga biktima ng mga nasabing kalamidad mula sa Region 3, Calabarzon at Region 6 habang ang iba pa ay nadala sa mas maraming mga rehiyon na labis na naapektuhan.