-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) na ipagpapatuloy na nila ang pag-stamp sa regular e-passports ng mga banyagang mula sa People’s Republic of China (PROC).

Ito ay para sa mga paparating at papalabas ng bansa.

Nahinto ang practice ng stamping ng Chinese passports noong 2012 sa kainitan ng territorial dispute ng Pilipinas sa China sa West Philippine Sea.

Kasunod nito ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ilagay ang Philippine Visas ng Chinese nationals sa magkaibang papel.

Ang polisiya ay isinagawa matapos ipatupad ng China ang bagong e-passport at kasama sa mga pages ang historic nine-dash line map na basehan ng China sa pag-claim sa disputed islands.

Sa memorandum na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente, puwede nang i-affix ng mga immigration officers sa iba’t ibang ports ang kanilang stamps katabi ng Philippine visa na regular e-passport mula sa PROC passenger.

Paliwanag ni Morente ang pagbabago ng polisiya ay base sa inisyung foreign service circular (FSC) ng DFA na nagbibigay direktiba sa Philippine consular officers na ma-affix ang Philippine visa sa mga pahina ng Chinese passports kung saan nakalagay ang nine-dash line map.