-- Advertisements --

Kinumpirma ni San Juan City Mayor francis Zamora na binawian na ng buhay ang kanilang empleyadong si Ricky Rodero, ilang araw matapos makumpirmang infected ito ng COVID-19.

Si Rodero ay nagtrabaho sa mismong tanggapan ng alkalde, kaya sumailalim din sa quarantine si Mayor Zamora.

Pero sa lumabas na pagsusuri, nag-negatibo naman ang city mayor sa deadly virus.

Sa kaniyang Twitter post, pinasalamatan ni Zamora ang naging serbisyo ni Rodero bilang mayor’s office staff.

“Paalam sa aking masipag, mabait, mapapagkatiwalaan at maasahan na Mayor’s Office staff na si Ricky Rodero na pumanaw dahil sa COVID-19. Maraming salamat sa iyong maayos na paglilingkod sa mga mamamayan ng San Juan. RIP,” wika ni Zamora.