-- Advertisements --
Umabot na rin sa full capacity ang St. Lukes Medical Center, para sa kanilang mga pasyenteng may COVID-19 o mga sinusuri para sa mga kahalintulad sakit.
Ayon sa inilabas na advisory ng ospital, kasama sa saklaw ng pagtigil sa pagtanggap ng mga bagong pasyente ang kanilang pasilidad sa Global City at maging sa Quezon City.
Pinayuhan naman nila ang mga may sintomas ng COVID at nagbabalak magtungo sa kanilang mga sangay na ikonsidera muna ang paghahanap ng ibang pagamutan.
Tiniyak din nilang maglalabas ng updated advisory sa oras na bumaba na sa normal ang dami ng mga naka-confine sa kanilang medical facilities.
Nangako rin ang management na paiiralin ang health and safety protocols, kaya hindi maaari tumanggap ng mga walang advance coordination.