-- Advertisements --

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) na maaari nang simulan ng mga employers ang mag-fill out ng kanilang Social Security Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRAs) online.

Ayon sa SSS ang mga employers ay pwedeng mag-file ng reimbursement claims basta rehistrado lamang sila sa website ng SSS o kaya enrolled SSS Sickness at Maternity Benefit Payment.

Nagpaalala rin ang ahensiya na ang mga employers ay dapat din ay may abiso na SSS-approved sickness notification mula sa kanilang employees.

Isa pa sa requirements ayon sa SSS, dapat ang mga employers ay merong certification na ang sickness benefit ay ibinayad ng advance sa kanilang employees.

SSS reimbursement