-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Social Security System ang 12 na mga negosyante sa lungsod ng Paranaque matapos na ireklamo ang mga ito ng hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado.
Target ng SSS na makasingil ng nasa P1.8 milyon na mga kontribusyong bigo na iremmit ng nasabing mga negosyante.
Ayon pa sa SSS na kapag hindi pa tumugon ang mga employer sa ginawang pakiusap nila ay mapipilitan ang mga ito na sampahan ng kaukulang kaso.
May mga karampatang kasong kakaharapin ang mga ito gaya ng pagkakakulong na nasa 12 taon.