-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Social Security System (SSS) sa mga mamamayan na agad na isumbong sa kanila ang mga scammers at fixers na nag-aalok ng serbisyo.

Ayon kasi sa SSS na nakakapambiktima ang mga suspek sa pamamagitan ng pag-alok ng SSS assistance sa online.

Nakipagtulungan na rin sila sa PNP at National Bureau of Investigation para matukoy at masampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Mayroon silang SSS Special Investigation Department na tutulong sa mga law enforcement agencies para agad na makilala ng mga scammers at agad silang masampahan ng kaso.