-- Advertisements --
Mahigpit ng ipapatupad ng Social Security System (SSS) ang ‘no web registration, no salary loan’ policy.
Ayon sa Real-Time Process of Loan (RTPL) Quick Reference Guide na inilabas ng SSS noon pang Nobyembre 6, 2019, lahat ng mga salary loans ay dapat idaan sa online simula Nobyembre 11.
Kailangang magrehistro muna ang mga miyembro sa official website ng SSS na www.SSS.gov.ph.
Ang mga miyembro na walang internet connection ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na SSS branch sa kanilang lugar para makapag-rehistro para sa loan application.
Hindi naman kabilang dito ang calamity, emergency at education loan na dapat magtungo sila sa pinakamalapit na SSS branch sa kanilang lugar para sa karagdagang dokumento.