-- Advertisements --
sss

Ibinaba ng Social Security System ang service fees na kanilang kinokolekta ng mga SSS-accredited banks, money remittance at mga transfer companies.

Ito ay batay na rin sa inilabas na SSS Circular No. 2023-001.

Paliwanag ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ang service fees na kinokolekta ng SSS collecting partners ay kailangang mas mababa sa P8 per transaction para sa online payment channels at P10 per transaction para sa over-the-counter payment.

Malaking tulong na rin ito aniya, lalo na sa mga miyembro ng SSS na sila mismo ang nagtutungo sa mga bayad center upang bayaran ang kanilang kontribusyon kada buwan.

kasama rin sa mga makikinabang rito ay ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), magsasaka, mangingisda at iba pa.

Maalalawng ang SSS ay dating kumukulekta sa mga partner banks nito ng hanggang sa P25 per transactions, habang ang remittance at transfer companies naman ay nangongolekta ng hanggang P15 per transaction kapag nagbabayad ng kanilang kontribusyon.