-- Advertisements --

Nasa P125 kada kilo na lamang ang suggested retail price (SRP) ng pulang sibuyas sa Metro Manila ayon sa Department of Agriculture.

Ito ay para sa parehong medium at big-sized na imported red onions na ibinibenta sa mga merkado sa rehiyon.

Ito ay sa bisa ng inilabas na DA administrative Circular No 5 na may petsang Pebrero 6 na inanunsiyo ngayong araw lamang.

Nakasaad sa naturang circular na layunin nito na maibsan ang kasalukuyang pasanin ng ating kababayang Pilipino na apektado ng pandemiya at tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo kayat kailangang magabayan ang publiko sa pamamagitan ng pagtatakda ng resonableng presyo ng basic necessities sa merkado.

Ang hakbang na ito ay kasunod na rin ng ilang linggo na pagsipa ng presyo ng sibuyas na umabot pa sa P700 kada kilo noong nakalipas na holiday season.