-- Advertisements --
001149516e2b4abca3cd6b38e074efc0Spurs Suns Basketball 43458

Muling tinalo ng San Antonio Spurs ang Phoenix Suns sa maagang rematch ng dalawa na nagtapos sa 132 – 121, pabor sa Spurs.

Maalalang Nobiembre-1 nang ginulat ng San Antonio ang Phoenix, matapos ang comeback win kung saan nagawa ng Spurs na talunin ang batikang Suns sa pamamagitan lamang ng isang puntos.

Sa naging laban kanina(Nov. 3), nagbuhos ng 38 big points career high ang 2023 No1 overall pick na si Victor Wembanyama, kasama ang sampung rebounds.

Umasiste naman sa kanya ang limang teammates matapos kumamada ang bawat isa ng mga double-digit scores, sa pangunguna ni Zach Collins na mayroong 19 points.

Labis na nahirapan ang Suns sa paghahabol sa mga bagitong Spurs sa likod ng 31 points, 13 assists at 9 rebounds ni Devin Booker, kasama ang 28 points ni Kevin Durant.

Sa unang kwarter pa lamang ng laro, umabanse na ang San Antonio at tinambakan ang Suns ng 19 big points.

Umabot pa ito ng 20 points sa pagtatapos ng ikalawang kwarter.

Pinilit naman ng Suns na bumangon sa ikatlo at ika-apat na kwarter ngunit naging mahigpit pa rin ang depensa ng San Antonio, daan upang tapusin ang naturang laban hawak ang 11 pt lead.

Sa kabila ng pagiging batikan ng mga Suns, nahirapan sila ng husto sa loob ng paint na siya namang sinamantala ng Spurs.

Umabot sa 58 points ang nakuha ng Spurs sa paint area habang 44 points lamang ang nagawang ipasok ng Suns sa ilalim nito.

Dahil dito, nagawa ng Spurs na ma-sweep ang kalabang Suns sa loob lamang ng tatlong araw, para sa unang bahagi ng 2022-2023 season.