Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Antonio Spurs para umusad sa semifinals ng western conference sa nagpapatuloy na 2026 Playoffs.
Dinumina ng koponan ang Game 4 laban sa Portland Trailblazes, gamit ang episyenteng second-half performance, 114-93.
Hawak kasi ng Portland ang 17 points na kalamangan sa pagtatapos ng 2nd quarter, 58-41, ngunit agad itong naihabol ng Spurs sa 3rd quarter. Sa pagtatapos ng naturang quarter, naitabla na ang score sa 74.
Hindi napigilan ng Blazers ang momentum ng San Antonio at tuluyan nang lumubo ang kalamangan ng huli matapos itong magpasok ng 40 big points sa buong 4th quarter habang umabot lamang sa 19 points ang kasagutan ng Portland.
Sa pagbabalik ng Spurs bigman na si Victor Wembanyama, agad siyang gumawa ng double-double performance – 27 points, 11 rebounds. Naging solido rin ang bagitong sentro sa defense matapos niyang iposte ang pitong blocks at apat na steal, dahilan upang ibulsa niya ang +28 sa pagtatapos ng laban.
Dominado ng Spurs ang paint at 3-point area, habang pinuwersa rin nito ang kalabang koponan na gumawa ng hanggang 18 turnover sa pamamagitan ng mahigpit na depensa.
Sa buong laban, umabot sa 12 steals at 10 blocks ang nagawa ng Spurs at halos walang naisagot dito ang Trailblazers.
Babalik na sa San Antonio ang Game 5 na isang do-or-die game.
















