Balik na sa full practice si NBA superstar Stephen Curry matapos ang dalawang buwan ng hindi paglalaro.
Ito ay bunsod ng kanyang inindang pananakit sa kanang tuhod.
Ayon kay Golden State Warriors head coach Steve Kerr, nakabalik na si Curry sa 5-on-5 scrimmage kasama ang ilang coach at mga manlalaro ng koponan.
Gayunpaman, nananatiling magaan ang mga session na pinagdaanan ng NBA star, habang nakahanay pa ang iba pang full practice.
Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng kumpirmasyon ang Golden State Warriors kung makakabalik na si Curry sa aktwal na laro bago matapos ang regular season.
Nakatakdang harapin ng Warriors ang San Antonio bukas, Abril 2, na susundan ng back-to-back game laban sa Cleveland Cavaliers.
Matapos nito, limang laro na lang ang nalalabi sa regular schedule ng koponan bago tuluyang matapos ang season.
Umabot na sa 25 games ang hindi nalaro ni Curry mula noong Enero 30.















