Sinuspinde ng Senado ang kanilang sariling rules para payagan ang sports officials na sumagot sa tanong ng mga senador ukol sa inilaang pondo sa paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG) hosting.

Hiniling ito ni Sen. “Bong” Go, na sinuportahan naman ng rules committee chairman na si Sen. Juan Miguel Zubiri at ng iba pang mambabatas.

Layunin nito na maipaliwanag nang buo ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) ang detalye ng paglalaanan ng P9.5 billion para sa pagtatayo ng pasilidad sa New Clark City.

Unang sumalang para sumagot ng mga tanong si PCS Chairman William “Butch” Ramirez at sinundan ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na pinuno naman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Giit ni Cayetano, walang katiwalian sa SEA Games preparation at kaya nilang sagutin ang lahat ng valid issue sa hosting ng bansa para sa malaking sporting event.