-- Advertisements --
IMG 20190723 184331

Winasak ng Bureau of Customs (BoC) ang isang sports car na nagkakahalaga ng P7 million na iligal na ipinasok sa bansa.

Ang asul na Ferrari ay ipinarada sa isang open parking space sa bakuran ng Customs ang bago ito pinadaanan sa bulldozer.

Lumalabas na dumating sa bansa ang nasabing sports car noong Mayo 13 at idineklarang mga auto spare parts pero inabandona ito ng consignee na Camama Autohub.

Binaklas umano ang makina ng kotse at dalawang pinto nito para mailusot sana sa Customs.

Kasabay na winasak ng Customs ang mga pekeng sigarilyo at makina sa paggawa nito na nasabat noong February sa isang warehouse sa Bgy. Bagacay, Tacloban City.

Kinumpiska ang mga ito sa bisa ng seizure and detention dahil sa paglabag sa section sa Customs Modernization and Tariff Act.

Ang cigartte making machines at pekeng sigarilyo ay nagkakahalaga ng P150 million.