-- Advertisements --
dAMIAN lILLARD 1

Tuluyan nang namaalam si Portland Traiblazers superstar Damian Lilliard sa Rip City na nagsilbi niyang tahanan sa mahigit isang dekada.

Ito ay matapos ang pagkaka-trade niya sa Milwaukee Bucks, sa ilalim ng 3-team deal, kasama ang Phoenix Suns.

Sa emosyonal na mensahe ni Lilliard, sinabi niyang hindi pa rin magbabago ang turing niya sa buong Rip City, at mananatili pa rin itong kanyang tahanan, lalo na at napakarami umano niyang naging kaibigan sa lungsod.

Ayon pa kay Lilliard, ang pagtanggap sa kanya ng buong lungsod ay hindi matatawaran, at kung gaano siya niyakap ng mga residente ay ganun din aniya ang kaniyang turing sa kanila.

Si Damian, na kilala rin bilang DameTime, ay ang all-time leading scorer sa Blazers history.

Siya ay nagsilbing Guard ng naturang koponan sa loob ng 11 taon kung saan noong 2019, nagawa niyang buhatin ang Blazers sa Western Conference Finals, ngunit hindi pinalad na makausad, matapos talunin ni Stephen Curry at ng Warriors.