Malaking pagbabago ang gagawin ng pamahalaan sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na gagawing “blended” ang sistema sa SONA ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo.

May ilang papayagan aniyang personal na makadalo sa SONA sa Batasang Pambansa habang ang iba naman ay sa pamamagitan na lamang ng teleconferencing.

“ABut the worst thing that can happen is kung ganito pa rin ang sitwasyon at walang immunization, walang vaccine, pupunuin namin ang Batasan tapos magkaka-outbreak dahil nandoon kaming lahat. That’s the worst thing that can happen,” ani Cayetano.

Pero maari rin aniya na sa Malacañang na lamang mismo si Pangulong Duterte maglalahad ng kanyang talumpati.

Ayon kay Cayetano, ito ang unang pagkakataon na nangyari ito bilang epekto na rin ng pandemya.