-- Advertisements --

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session para sa Kongreso upang sa gayon ay maaprubahan ang P1.3-trillion economic stimulus na inaprubahan ng Kamara kamakailan.

Iginiit ni Rodriguez na walang dapat sayangin na oras ukol dito kaya hindi na dapat paabutin pa ng Agosto o Setyempre ang pag-apruba sa  Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) Bill.

Sayang kasi aniya ang panahon gayon sa huling linggo pa ng Hulyo magbubukas ang second regular session ng 18th Congress.

Dapat sa lalong madaling panahon aniya ay maipaabot sa mga apektadong sektor ang ayudang ipinapangako ng ARISE.

“Financial aid should be available as the economy begins to gain momentum with the easing of quarantine restrictions in many areas of the country,” ani Rodriguez.

-- Advertisement --

Bago nag-adjourn ang Kongreso ay ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ARISE na naglalayong paglaanan ng P568 billion ngayong taon para sa wage subsidies, cash for work, pautang sa naluging mga negosyo at iba’t ibang programa sa sektor ng agrikultura, transportasyon at turismo.