Nailabas na ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) ang special risk allowance para sa 20,000 health care workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ng DBM ang anunsyo na ito kasunod nang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas na ang naturang benepisyo sa loob ng 10 araw makalipas ang mahabang panahon na ito ay na-delay.
Ayon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, ang bahagi ng halaga para sa special risk allowance na itinatakda sa ilalim ng Bayanihan 2 ay naibalik sa National Treasury matapos na hindi ito naipamahagi sa lahat ng mga dapat bigyan.
Sinabi ni Canda na P311 million ang kinuha nila mula sa Miscellaneous and Personnel Benefit Fund para ibigay sa mga health workers na hindi pa nakakatanggap ng special risk allowance.