-- Advertisements --
image 434

Deklaradong special non-working day bukas sa buong bansa.

Batay sa Proclamation 167 na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ginawang Biyernes ang deklarasyon dahil sa ipinaiiral na holiday economics, sapagkat matatapat ang 37th anniversary ng EDSA People Power sa araw ng Sabado.

Dahil dito, long weekend ang aasahan para sa mga tanggapan at paaralan.

Bunsod ng proklamasyon, inatasan ng Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng circular para sa mga pribadong tanggapan.

Ang anibersaryo ng EDSA ay tungkol sa mapayapang people power noong 1986, kung saan milyong mga Filipino ang nagtipon-tipon sa nasabing lansangan para tutulan ang pag-iral ng batas militar at iba pang paglabag umano sa karapatang pantao.