-- Advertisements --
INFANTA PANGASINAN

Pinalutang ni Senate committee on justice and human rights chairperson Sen. Francis Tolentino ang posibilidad ng paglulunsad ng special investigation kaugnay sa insidente ng banggaan sa karagatan malapit sa Agno, Pangasimam na ikinasawi ng 3 Pilipinong mangingisda.

Layunin aniya ng special probe na ito na magkaroon ng archipelagic sea lanes ang bansa para maiwasan anf kaparehong insidente sa hinaharap.

Dito aniya dadaan ang mga barkong domestic, foreign at international vessels na malalaki upang sa ganun alam ng mangingisda Pilipino kung saan dadaan at makakaiwas sa mga dadaang dayuhang barko.

Tinitimbang din ngayon ng mambabatas kung sisimulan na ang imbestigasyon habang inaantay pa ang reports mula sa concerned authorities na kailangan alinsunod sa international rules.

Una rito, ilang mga Senador na rin ang umapela sa mga awtoridad sa bansa para makamit ang hustisiya para sa pagkamatay ng 3 Pilipinong mangingisda.

Kung matatandaan, sinabi ng PCG, na nangyari ang insidente 180 nautical miles mula sa Agno, Pangasinan at nakadaong 85 nautical miles hilagang kanluran ng Scarborough shoal nang mabangga ng isang oil tanker na nagresulta ng paglubog ng bangka na ikinasawi ng 3 mangingisda. Ngunit sinabi ng PCG na aksidente ang nangyari.

Top