-- Advertisements --

Hindi na magsasagawa ang special elections sa Binidayan at Butig sa Lanao del Sur.

Sinabi ni Comelec deputy executive director for operations Teopisto Elnas wala ng mga lugar na magsasagawa ng special elections dahil naiproklama na sa dalawang lugar kung saan nauna ng napaulat na hindi nakapagsagawa ng halalan kaya’t idineklara ang failure of elections.

Paliwanag naman ni Comelec Commissioner George Garcia na ang inisyal na declaration ng failure of elections sa Binidayan at Butig ng local office ng Comelec ay mali umano dahil naiproklama na ang mga nanalong kandidato.

Aniya, nire-require ng sistema ang isang threshold para sa pag-imprinta ng certificate of proclamation at hindi din aniya nag-request ang dalawang bayan na ito na babaan ang threshold kung kaya’t ibig sabihin nakapag-transmit ng sapat na mga boto ang mga presinto.