Target ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng special elections sa 7th Congressional District ng lalawigan ng Cavite para mapunan ang binakanteng posisyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa unang bahagi ng taong 2023.
Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang naturang pahayag kasunod ng pag-apela sa Kongreso sa pansamantalang pagsasagawa ng approval ng panukalang batas na nangangailangan ng mandatong plebisito dahil makakaapekto ito sa kanilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.
Umaasa rin si Garcia na sa ngayon ay maipagpaliban muna ang paglikha ng mga probinsiya, pagpapangalan ng mga barangay dahil naghahanda ang Comelec hindi lamang sa barangay at Sangguniang Kabataan kundi maging sa malalaking halalan sa taong 2025.
Magugunita na noong buwan ng Hulyo, in-adopt ng Kamara de representantes ang isang resolution na nanawagan sa Comelec para magsagawa ng special election sa 7th district ng Cavite matapos na maitalaga bialng Justice Secretary si remulla na siyang elected conhressman sa naturang lokalidad.