Tiniyak ni house Speaker Martin Romualdez sa Filipino-American community ang walang patid na suporta ng Kamara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang agenda para magkaroon ng magandang hinaharap ang lahat ng mga Pilipino.
Sinabi ni Speaker Romualdez na magpapatuloy ang House of Representatives na makikipagtulungan kay Pangulong Marcos upang isulong ang kanyang lehislatibo, mga patakaran, at mga hakbangin na nakatuon sa paglikha ng trabaho, pinabuting klima ng negosyo, at isang mas magandang buhay para sa lahat ng mga Pilipino.
Kasama kasi si Speaker ng dumalo ang Pangulo sa pulong kasama ang Fil-Am community na ginanap sa Ritz-Carlton Hotel sa Washington, D.C.
Si Romualdez ang naglatag ng mga pamantayan sa official visit ni PBBM sa US.
Ayon sa House leader isa itong paraan para pasalamatan ang OFW sa kanilang hindi matutumbasan na kontribusyon sa economic groeth ng bansa.
Dagdag pa ni Romualdez na nagkaroon din ng positibong resulta ang pulong ng Pangulo at Biden lalo ng inanunsiyo ng US president na magpapadala ito ng presidential trade and investment mission sa Pilipinas na layong magbubukas ng mas maraming trabaho.
Siniguro din ni Speaker na nakahanda ang Kamara na mag pasa ng mga kaukulang legislations na magbibigay daan sa pagpasok ng mga investment sa bansa.