Tiniyak ng liderato ng Kamara na kanilang aaksiyunan ang mga nalalabing priority measures na isinusulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nasa labing-dalawang nalalabing Common Legislative Agenda na kailangang aksiyunan ng Kongreso.
Ilan sa mga ito ay ang amyenda sa EPIRA law, E-Governance Act, paglikha ng Department of Water Resources, National Land Use Act, The National Defense Act, The National Government Rightsizing Program at iba pa.
Muling tiniyak ni Romualdez na committed ang Kamara na suportahan ang legislative agenda ng Marcos administration.
Sa katunayan anya, napagtibay na ng Kamara ang 19 legislative measures at ang iba ay nasa “advance stages of consideration”.
Una rito, bago mag-Christmas break ang sesyon ng Kongreso.
Napagtibay ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill at ang Maharlika Investment Fund.
” You can count on the House to work harder next year to do our part in improving the lives of our people. I truly believe it is the best way to express our gratitude for the greatest gift all public officials have received the opportunity to serve our country,” wika ni Speaker Romualdez.
Batay sa naging ulat ni House Majority Leader and Zamboanga City 2nd District Representative, na sa ngayon ang Kamara ay nakapag proseso na ng nasa 1,150 bills and resolution o nasa 28 measures bawat session mula July 25 hanggang December 15,2022.
Sinabi ni Dalipe na nasa kabuuang 7,402 measures ang inihain sa House of Representatives, 6,716 dito ay mga panukalang batas, 685 resolutions at 263 committee reports.
Ayon sa Majority Leader nasa 173 bills na ang inaprubahan ng Kamara sa 3rd and final reading.