Suportado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang appointment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay University of the Philippines (UP) Law Dean Darlene Marie Berberabe bilang bagong Solicitor General ng bansa.
Sinabi ni Romualdez na highly qualified si Berberabe na pamunuan ang legal team ng gobyerno sa gitna ng mga masalimuot na isyung konstitusyonal at mahahalagang kaso na nangangailangan ng matalas at independiyenteng abogado.
Dagdag pa ni Romualdez na mayroong mga petisyon laban sa Kamara na nakabinbin sa Korte Suprema na hinahawakan ng OSG.
Bitbit ni Berberabe ang isang malawak at kahanga-hangang karera: nagtapos bilang top graduate sa parehong pilosopiya at batas sa UP, at nagsilbing dekana ng UP College of Law kung saan itinaguyod niya ang akses sa legal na edukasyon at makataong praktis ng batas.
Pinalitan ni Berberabe si Menardo Guevarra.
Tiniyak ni Speaker Romualdez na buo ang suporta ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Berberabe sa pagganap nito ng tungkuling katawanin ang Republika sa korte at ipagtanggol ang Konstitusyon.