Hinimok ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nasa 3,992 na pumasa sa Bar na maging “magagaling na abogado” sa pagsebisyo sa bayan.
Binigyang diin ni Romualdez na dapat maging mabuting abogado ang mga ito lalo na sa paglilingkod sa mga mahihirap.
Siguruhin na ang hustisya ay naibibigay nang walang takot o pabor.
Maging sa paghawak ng kaso ay dapat maging patas at walang pinapaboran.
” You should be good lawyers by serving the poor and the underprivileged,” pahayag ni Romualdez.
Ipinunto din ni Speaker, na dapat maging isang katalista ang mga ito para sa pagbabago at itaguyod ang mga pamantayan ng kahusayan sa serbisyo publiko sa ngalan ng kanilang noble profession.
Si Romualdez ay isang abogado, alumnus ng UP College of Law at presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa).
Aniya, ang mga bagong papasok sa propesyon ng abogasya ay dapat tumulong sa pagpapabuti ng sistema ng hudikatura sa pamamagitan ng pag representa sa mga hindi kayang magbayad ng serbisyong legal.
Dagdag pa ng House leader dapat din mag-ambag ang mga ito sa paghahatid ng patas, walang kinikilingan at mabilis na hustisya.










