Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi niya papatulan ang mga hindi magandang salita na ipinapukol sa Kamara o sa kanya, kaugnay sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Ito ang tugon ni Speaker kasunod ng manifesto ng Senado na tumututol sa People’s Initiative o PI.
Batay sa ulat si Romualdez umano ang nasa likod ng Peoples Initiative.
Ayon kay Romualdez, nirerespeto niya ang mga pahayag o opinyon ng iba dahil karapatan nilang magsalita ng ganun.
Pero wala siyang balak na patulan ang mga ito.
Sa katunayan, mas handa siyang makipag-tulungan sa mga senador “hand in hand” at i-embrace o yakapin ang Resolution of Both Houses No. 6.
Giit pa ni Romualdez, ang economic Cha-Cha na kanyang itinutulak ay para sa mga Pilipino at hindi para sa mga kongresista, sa mga senador o para kay Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Binigyang-diin ni na posible ang RBH no. 6 ang solusyon sa mga hinaing ng mga tao, o mga kinakaharap na problema ng bansa.