-- Advertisements --
eala

Nagpa-abot ng pagbati at papuri si House Speaker Martin Romualdez sa Pinay tennis player na si Alex Eala matapos tinanghal na kampiyon at nasungkit ang kanyang unang pro title sa 2022 US Open.

Sa pag wagi ni Eala, muling ipinakita nito sa mundo na maaaring makamit ang tagumpay nang may katapangan, determinasyon, at tiyaga.

Umukit ng kasaysayan si Eala bilang unang Pilipina na nananalo ng grand slamsingles title sa US Open.

” Congratulations, Alex Eala, for showing us the way to greatness. The Filipino nation is truly proud of you, and we are forever grateful for your success on the global stage. Mabuhay ang Pilipinas!,” mensahe ni Speaker Romualdez.

Samantala, binabati din ng Gabriela Women’s Party List si Eala sa panalo nito.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, ang tagumpay ni Eala ay isa pang patunay na ang mga kababaihang Pilipino ay may kakayahang mangibabaw para sa bansa sa mga global sports events at higit pang patunay ng ating lakas sa kabila ng umiiral na macho-feudal notions.

” We will continue to push for greater state funding for the development of Philippine sports and for the support for Filipino athletes, especially Filipino women athletes,” mensahe ni Rep. Brosas.