-- Advertisements --

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpaslang sa isang kawani ng House of Representatives ng riding-in-tandem.
Sa mensahe ni Speaker nagpa-abot ito ng pakikiramay sa pamilya ng kanilang empleyado na nakilalang si Director Mauricio “Morrie” Pulhin, na hepe ng technical staff ng House Committee on Ways and Means.

Pinagbabaril ang biktima sa kanilang subdivision sa Barangay Commonwealth sa Quezon City kung saan isang birthday party rin sana ang idaraos para sa kaniyang anak.

Inilarawan din ang biktima na dedikado at kinala ang kaniyang matagal nang serbisyo, at integridad.

Bagamat inaalam pa ang motibo ng krimen, nanawagan ang Kamara sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at iba pang law enforcement agency na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para makamit ang hustisya para sa pamilya ng biktima.

Nangako ang Kamara sa pamilya ng biktima na mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

“I am deeply saddened and outraged by the tragic death of Director Mauricio ‘Morrie’ Pulhin. This crime must not go unanswered. Justice must prevail,” the leader of the 306-member legislative chamber pointed out. His professionalism, integrity, and quiet commitment to his work earned him the respect of his peers and superiors alike. We condemn this brutal act of violence in the strongest possible terms,” pahayag ni Speaker Romualdez.