Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang Energy Regulatory Commission o ERC at National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na masusing imbestigahan ang nangyaring power outage sa Panay island at ilang bahagi ng Western Visayas simula nuong January 2,2024.
Naniniwala si Speaker Romualdez na ang pagtukoy sa ugat ng malawakang power outage ay mahalaga upang maiwasang maulit pa ang naturang pangyayari sa hinaharap.
Giit ni Romualdez , nararapat lamang mabigyan ng matatag at maaasahang power infrastructure ang mga residente ng Iloilo at Western Visayas.
Mababatid na una nang iminungkahi ng House Speaker na mamuhunan ang Maharlika Investment Corporation sa NGCP na aniya’y makatutulong tungo sa pagkamit ng maaasahan, mahusay, at napapanatiling energy infrastracture.
Naniniwala si Romualdez na ang paglagak ng investment ng Maharlika Investment Corporation ay makakatulong para makamit ang isang reliable, efficient at sustainable energy infrastructure.
Hiniling naman ni Romualdez sa DOE at NGCP na magpatupad ng decisive action kaugnay sa malawakang brownout.