Nagpahayag ng pagkadismaya si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay sa mga ulat ng umano’y pagkakasangkot ng dalawang heneral ng pulisya at iba pang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa isyung “cover- up” o tangkang pagtakpan ang mga iregularidad kaugnay sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang P6.7 bilyong halaga ng shabu noong 2022.
“I am dismayed and saddened to learn that some of those accused of alleged involvement are members of the PNP Drug Enforcement Group, the very same people tasked to go after peddlers of illegal drugs,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na sa kabila ng isinasagawang malalimang imbestigasyon para mabatid ang katotohanan, dapat magpatupad ng hakbang para i reorganize ang drug unit ng PNP.
Una ng pinangalanan ni Interior Sec. Benhur Abalos ang dalawang police generals na sina Police Lt. Gen. Benjamin Santos at P/Brig. Gen. Narciso Domingo at ilan pang matataas police officers na sangkot sa tangkang pag-cover-up sa naarestong si P/Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. na nakuhanan ng 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.
Sa panig ng Kamara ang House Committee on Dangerous Drugs sa pamumuno ni Rep. Robert Ace Barbers sinimulan na rin ang kanilang imbestigasyon.
Hinimok din ni Barbers ang mga police assets na lumatad para magbigay ng kanilang pahayag kaugnay sa insidente.
“The investigation into these allegations must be swift and thorough. Let the ax fall where it must because police involvement in this alleged cover-up, especially anti-drug operatives, cannot and should not be tolerated,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ni Speaker na mahalaga na pakinggan din ang pahayag ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin kaugnay sa isyu matapos madawit ang kaniyang pangalan batay sa pahayag ni PLt.Gen. Santos.