-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na may sapat na “safeguards” o panangga ang nakapaloob sa inaprubahang panukala ang House Bill No. 6398 subject to style ang Maharlika Welfare Fund.

Sa isinagawang pagdinig ng komite sa pangunguna ni Manila 5th District Rep. Irwin Tieng pinagtibay nito ang amendments na iprisinta ng technical working group na pinangunahan ni TWG) Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means.

Pinawi din ni Speaker ang pangamba ng mga kritiko na posibleng mauwi sa wala ang pera na pinaghirapan ng mga Pilipino na gagamitin ng gobyerno para i-invest sa mga financial institutions.

Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukalang magtatag ng P275-billion Maharlika Wealth Fund Act.

” As the Philippines secures its place not only the Rising Star of Asia but as a real economic leader in the Asia Pacific, the creation of the MIF becomes imperative,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ang House Bill 6393 na inakda ni Speaker Romualdez na layong magtatag ng Maharlika Wealth Fund na naka patterned sa ibang bansa ay para i maximize ang profitability of investible government funds para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ang iba pang may akda ng nasabing panukala ay sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, and Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez and Jude A. Acidre, and Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.

Ipinunto naman ni Marikina Representative Stella Quimbo, na ang initial investments na ibibigay ng Government Financing Institutions para sa Maharlika Wealth Fund ay walang negatibong impact sa delivery of services o sa benepisyo sa mga stakeholders ng nasabing institusyon dahil ang kanilang investible funds ay magkahiwalay mula sa pondo na nakalaan para sa benefit payments.

Bilang bahagi ng safeguards, magkakaroon ng books and accounts para sa Maharlika Investment Funds na susuriin at i audit ng Commission on Audit.

Bubuo din ng Joint Congressional Committee na i-oversee, monitor, at i-evaluate ang implementasyon ng batas na bumuo ng Maharlika INvestment Fund.

Suportado naman ng Government Financial Institutions ang pagbuo panukalang batas na magtatag ng Maharlika Welfare Fund.