Namayagpag ang mga players mula sa bansang Spain sa tinaguriang summit of men’s tennis matapos na masungkit ni Carlos Alcaraz ang world number one spot sa Association of Tennis Professionals (ATP) rankings habang pumangalawa naman sa nasabing listahan ang tennis great na si Rafael Nadal.
Si Alcaraz ay naging youngest world No.1 tennis player nang magwagi ito sa US Open Game habang si Nadal naman na 22-time grand slam winner ay nakaakyat sa ikalawang pwesto sa ATP Rankings nang maungusan niya si Norweigan player Casper Rudss na natalo ni Yosihito Nishioka ng Japan sa quarterfinals sa Korea Open.
Una rito, ang magkababayan na si Alcaraz at Nadal ay ang player na muling nakakuha ng pinakamataas na rankings sa ATP kasunod nina Pete Sampras at Andre Agassi noon pang taong 2000. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)