-- Advertisements --
KALIBO, Aklan —- Hinikayat ngayon ng Spanish government ang mga mamamayan na sumakay ng mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Edzel Lamparero Lopez na ibinaba sa kalahati sa kalahati ng gobyerno ang bawat buwan na binabayarang pamasahe ng mga mamamayan.
Layunin nito na mahikayat ang publiko na mag-commute kaysa gumamit ng kanilang sasakyan.
Marami na umano ang bilang ng mga sasakyan sa Espanya at masyadong mahal ang petrolyo dahilan na kailangang makontrol ang pagkonsumo nito.