-- Advertisements --
Naghahanda na ang Spain sa pagkakaroon ng magarbong victory parade matapos na makuha nila ang kanilang kauna-unahang FIFA Womens World Cup title.
Tinalo kasi ng Spain ang England 1-0 sa finals.
Sa harap ng 75,784 fans sa Stadium Australia ay hindi makapaniwala si team captain Olga Carmona na ang kaniyang goal sa first half ay siyang magdadala sa kanila sa kasaysayan.
Nakuha naman ni Aitana Bonmatí ang midfielder ng Spain ang Golden Ball Award for player of the tournament.
Habang si Salma Paralluelo ay nagwagi bilang Best Young Player.
Tinanghal naman bilang best goalkeeper o Golden Glove si Mary Earps ng England.
Kinilala naman bilang World Cup Most Valuable Player Olga Carmona.