-- Advertisements --
image 271

Magpapadala ang Spain ng mga search and rescue team at iba pang tulong sa nasalanta ng lindol sa Morocco matapos itong makatanggap ng formal request mula kay Rabat, ayon yan sa Spanish foreign minister na si Jose Manuel Albares noong Linggo.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Albares ngunit sinabi ng tagapagsalita ng interior ministry na naghahanda ang gobyerno ng agarang pagpapadala ng 65 miyembro ng Military Emergency Unit (UME) ng Spain sa Morocco para tumulong sa search and rescue operation.

Ang UME ay isang katawan ng armed forces na nilikha upang mabilis na rumispunde sa mga sitwasyong pang-emergency tulad ng mga sunog sa kagubatan, baha at lindol.