-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng Estados Unidos, China at United Arab Emirates ang pagpapadala nito ng unmanned spacecraft sa Mars simula ngayong linggo.

Ito’y bilang hakbang upang humanap ng senyales ng ancient microspic life at tintingnan kung posible na makapagpadala ang mga ito ng astronauts sa red planet.

Nakahanda naman ang Amerika na ipadala ang kanilang six-wheeled rover na kasinglaki ng kotse para naman mangolekta ng rock samples na dadalhin pabalik sa Earth at isasailalim sa analysis.

Bawat spacecraft ay kaya umanong tumakbo ng mahigit 300 million miles o 483 million kilometers.

Nais din malaman ng mga scientists kung ano ang hitsura ng Mars noong mga panahon na mayroon pa itong ilog, lawa o tubig kung saan naninirahan ang mga maliliit na organisms.

“Trying to confirm that life existed on another planet, it’s a tall order. It has a very high burden of proof,” saad ni Perseverance’s project scientist Ken Farley ng Caltech sa Pasadena, California.