CAUAYAN CITY- Binawian na ng buhay si Sangguniang Panglunsod Member Danilo Asirit sa San Fermin, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamilya Asirit nitong Huwebes ng hapon nang bawian si SP member Asirit sa kanyang tahanan sa barangay San Fermin.

Bago aniya binawian ng buhay ay pabalik balik ng ospital at sa katunayan ay kakauwi pa lamang mula sa pagamutan nang bawian ng buhay ang opisyal ng pamahalaan.

Sa ngayon ay tumanggi muna magbigay ng anumang detalye ang kamag-anak ng SP member.

Dumalaw na rin ang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga kasamahan sa konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Leoncio Dalin Jr.

Magugunitang sa mga nagdaang sesyon ng panlunsod na konseho ay bihira na lamang ang pagdalo ni SP member Danilo Asirit dahil sa kanyang karamdaman.

Noong nakaraang eleksiyon ay nahalal bilang kasapi ng Sangguniang Panlunsod si SP member Asirit at pangatlong termino na niya ito.

Bago nahalal na SP member si Asirit ay isang Ret. Col. at nagsilbi siya bilang hepe ng PNP Cauayan City.