-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inanunsiyo ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na dahil sa patuloy na pagtaas ng pasyente na nahawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), tanging mga moderate at critical cases na lamang ang tatanggapin sa emergency department.

Sa inilabas na advisory ng SPMC, pinayuhan nito ang mga mild cases na makipag-ugnayan sa One Hospital Command Center para m-accomodate ang mga ito.

Ipinatupad rin nila ngayon ang polisiya na “no coordinated referrals, no transfer.”

Sa kasalukuyan, pareho umano na fully occupied ang 103-bed intensive care units (ICU) at 517 ward beds sa SPMC.

Ayon kay SPMC chief Dr. Ricardo Audan na nakapagdesisyon sila na limitahan ang pasyente na kanilang tatanggapin para maiwasan ang decongestion.

-- Advertisement --

Inasikaso na rin nila ngayon ng mga hospital official ang kanilang automated extraction machine sa SPMC Molecular Laboratory.

Nabatid na ang molecular lab ay maaaring makaproseso ng 3,000 swab samples sa lungsod at sa iba pang parte ng Davao region.

Una nang sinabi ng opisyal na nakaranas ng technical issues ang nasabing makina dahil sa halos araw-araw na paggamit nito.

Dagdag pa ni Dr. Audan na posibleng Delta variant na ang dahilan sa patuloy ngayon na pagtaas nga COVID-19 cases sa lungsod.