-- Advertisements --
Humirit si Ukraine’s first lady Olena Zelenska ng mga non-lethal military hardware kay South Korean President Yoon Suk Yeol.
Nasa Seoul kasi ang Ukraine first lady bilang Ukrainian ambassador.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Yoon sa mga Ukrainian na nasawi dahil sa giyera dulot ng paglusob ng Russia.
Ilan sa mga non-lethal military hardware ay ang kinabibilangan ng mine detectors, de-mining equipment at first aid vehicles.
Humiling din ito sa mga South Korean companies na tulungan silang itayo ang mga nasirang gusali dahil sa giyera.
Pagtitiyak naman ni Yoon na buo ang suporta ng South Korea sa mga mamamayan ng Ukraine.