-- Advertisements --
image 42

Inihayag ng South Korean government ay pinag-aaralan nitong kumuha ng mas maraming Filipino caregivers.

Ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa, nakipagpulong ito sa DMW at DFA dahil interesado ito na magpadala pa ng mga Filipino caregiver sa Korea.

Aniya, ang mga Filipino caregiver ay may mataas na reputasyon sa buong mundo at mahusay na nakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang mga bansa sa sektor ng pangkalusugan.

Dagdag dito, ang South Korea ay tahanan ng 60,000 overseas Filipino workers.

Giit pa ng Korean envoy, inaasahang darating sa South Korea ang 100 Filipino caregivers bago matapos ang taon.

Matatandaan na noong Enero, hinihimok ng mga operator ng nursing facility ang gobyerno ng Korea na kumuha ng mga dayuhan dahil sa kakulangan ng mga lokal na tagapag-alaga sa kanilang mga ospital.